KINASUHAN na ngayong araw ng Parricide ang ama na nakapatay sa pambubugbog sa kanyang 7 taong gulang na anak sa Maynila.
Nadampot ng mga otoridad sa isang checkpoint ang suspek na si Carlo Danilo Lloren noong nakaraang linggo dahi sa kasong paglabag sa Omnibus election code ng Comelec o gun ban.
May dalang illegal na baril ang suspek na inaming gamit niya umano ito na pang self- defense .
Nagtago si Carlo matapos maospital ang kanyang anak na si Catherine Joy Lloren dahil sa pambubugbog nang hindi nito isauli ang sukli sa pinabili sa tindahan.
Madalas na pinapalo umano ng ama ang kanyang batang anak na naging sanhi ng kanyang pagkamantay.
Lumabas sa autopsy report ng pulisya na acute respiratory failure and multiple physical injuries ang ikinamatay ng bata matapos suntukin sa ulo at pagsakala rito.
Dinala agad sa pagamutan ang bata noong Agosto 26 at makaraan ang ilang araw na pagkaratay ay agad na rin itong binawian ng buhay.