
ARESTADO ang dalawang lalaki na nahuli sa illegal na pamumutol ng punongkahoy sa Barangay Tranca, Bay, Laguna.
Natukoy ng pulisya ang mga suspek na sina Pablo Lasic, 64 anyos, at Erick Moceros, 27 anyos, na pawang residente ng Barangay Puypuy, Bay, Laguna.
Ayon sa Bay Municipal Police Station PLt. Joseph Natividad, huli sa akto ng mga suspek na namumutol ng punongkahoy sa Sitio Lalao, Barangay Tranca noong nakaraang Sabado .
Nang sitahin ang mga suspek ,kulang ang kanilang permit para putulin ang mga naturang mga puno.
Hindi rin umano rehistrado ang ginamit na chainsaw ng mga suspek.
Agad na kinumpiska ng mga awtoridad ang mga natistis na puno at ginamit na chainsaw .
Dinala na rin sa himpilan ng Pulisya ng Bay ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 (Forestry Reform Code of the Philippines) at Republic Act No. 9175 (Chainsaw Act of 2002).