PINAMAMADALI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang pagkumpleto ng mga railway projects tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Dapat rin aniyang gamitin ang Public Service Act para tanggalin ang 40 percent cap upang mas makaakit sa mga dayuhang pamumuhunan sa sektor ng transportasyon.
Idinagdag din ng Pangulo ang hybrid na modelo ng Public-Private Partnership (PPP) sa L1CE Project na nagsisilbing template para sa mga pamumuhunan sa hinaharap.
Isa na rito ang proyekto sa tatlong natitirang istasyon ng LRT-1 Cavite Extension hanggang Bacoor, Cavite sa lalong madaling panahon.
Maging ang Unified Grand Central Station sa Quezon City na magsisilbing terminal kung saan magtatatag ng apat na linya, hangad rin ni Marcos na makumpleto ito na magdudulot ng kaginhawahan sa mga mananakay araw-araw .
Inaaasahan rin niya na magagamit na ang MRT-7 na tatahak mula sa Quezon City hanggang Bulacan upang pakinabangan ng 300,000 na pasahero na bibiyahe mula 35 minutong na lamang mula sa kabilang dulo.
“Sabik na rin akong makatanggap ng paanyaya sa pagbubukas ng unang yugto ng North-South Commuter Railway,” sabi pa ng pangulo.
Taos puso ring pinasalamatan ang Department of Transportation (DOTr) na nasa likod ng tagumpay ng pagkumpleto ng L1CE Phase 1 Project , Light Rail Manila Corp. at ang mga financial stakeholder at contractor sa pagbibigay ng ligtas, maaasahang sistema ng transportasyon sa publiko.
Ang proyekto ng L1CE ay mababawsan ang oras ng paglalakbay ng mga commuters mula sa Baclaran, Pasay City at Bacoor, Cavite ng isang oras at 10 minuto hanggang 25 minuto laman at Inaasahang makikinabang ang 300,000 araw-araw na commuter sa unang taon ng buong operasyon nito.
Maiibasan rin ang trapiko sa mga lungsod ng Parañaque, Las Piñas at Bacoor, Cavite .
Saklaw ng Phase 1 ang unang limang istasyon: Redemptorist-ASEANA; Daan ng Manila International Airport; Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX); Ninoy Aquino Avenue; at D. Santos (dating Sucat).
