UMABOT na sa 4,680 mula January 1 hanggang Abril 22, 2025 ang naitalang kaso ng dengue sa Quezon City.
Mas mataas ito ng 314% kumpara sa bilang ng kaso sa kaparehong panahon noong 2024.
Karamihan sa mga apektado ay mga batang edad sampung taon pababa, na may kabuuang 2,407 kaso.
Nadagdagan ng isa ang nasawi, labintatlo na ang naitalang nasawi dahil sa dengue.
Upang maiwasan ang dengue, mahalagang sundin ang mga sumusunod na hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang pamilya laban sa lamok na nagdadala ng sakit.
Tulad ng pagpapanatilihi ng malinis na kapaligiran , pagtanggal sa mga pinamumugaran ng lamok sa loob at labas ng bahay, pag-alis ng tubig sa mga lalagyan tulad ng timba, plorera, gulong, bote, at alulod upang hindi ito pangitlugan ng lamok.
