MATAPOS ang higit isang dekadang magkarelasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o mas kilalang magka-loveteam na Kathniel, kapwa kinumpirma na ang hiwalayan ng dalawa.
Ilang araw nang maugong ang hiwalayan ng magka-loveteam ngunit ngayong Huwebes ng hapon lamang nila ito kinumpirma.
Sinabi ni Kathryn sa kanyang Instagram post, “Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward. I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding.”
Naging emosyonal rin ang post ni Daniel sa Instagram na sinasabing , lagi niyang babaunin ang kanilang alaala sa kanyang puso at magiging liwanag sa madidilim niyang araw”.
“Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan”.
Payo naman ng ilang mga mamahayag , na dapat nang tanggapin ng Kathniel fans na hiwalay na ang kanilang mga idolo.
At sa loob ng mahabang panahon ay maaaring nagkasawaan na umano ang dalawa dahil sa 11-taong magkarelasyon nito.
Madalas na ring nasasangkot ang pagpasok sa eksena ni Andrea Brillantes na sobrang pinagselosan din noon ni Kathryn.
