PATAY ang isang lalaking may kapansanan sa pandinig ang nasagasaan ng tren nitong Martes sa Barangay Concepcion Pequena , Naga City, Camarines Sur.
Nadisgrasya ang biktima bandang alas 5 ng umaga habang tumatawid ito sa paparating na tren.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang tren ng Philippine National Railways (PNR) ay patungo sa Ligao, Albay.
Nakita sa CCTV footage na huminto na ang mga sasakyang tatawid sa riles dahil sa may paparating na tren ngunit ang biktima ay patuloy na naglalakad sa riles .
Lumalabas rin sa imbestigasyon na may problema sa pandinig ang biktima kaya naman hindi nito narinig ang busina ng paparating na tren.
