SUMUKO sa pulisya si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga nitong Lunes ng gabi matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte sa Makati City kaugnay ng mga kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya.
Sumuko ang mambabatas kay Dasmariñas Component City Police Station OIC Lt. Col. Mac Arthur Mercader noong 6:59 p.m. noong Lunes.
Nauna rito, naglabas ang Makati Regional Trial Court Branch 147 ng warrant of arrest laban kay Barzaga, na nahaharap sa eight counts ng kasong cyber libel.
Nakasaad sa warrant, na nilagdaan ni Presiding Judge Karla Regina D. Valera-Chua, na ang mga kaso ay nagmula sa umano’y paglabag sa Section 4(c)(4) ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.
Itinakda ang piyansa sa P48,000 bawat counts.
Nagpiyansa ang mambabatas noong 10:25 p.m. ng parehong araw at umalis sa Cavite police station.
Nauna nang sinuspinde ng Mababang Kapulungan si Barzaga dahil sa magulo na pag-uugali.
