
PUMANAW na ang legendary comedienne ng John en Marsha star na si Matutina o Evelyn Bontogon-Guerrero sa totoong buhay ngayon, Feb. 14 sa edad na 78.
Kinumpirma ito ng anak ni Matutina na si Shiela Guerrero.
Sinimulan ni Matutina ang kanyang karera sa showbiz bilang talento sa radyo bago naging kasambahay sa TV sitcom na “John en Marsha” ng Radio Philippines Network (RPN) Channel 9, na ipinalabas mula 1973-1978 at 1980-1990.
Ginampanan niya ang pagiging kasambahay ng napakayamang si Doña Delilah G. Jones (ginampanan ng yumaong komedyanteng si Dely Atay-Atayan).
Bukod sa “John en Marsha” TV series and movies, napapanood din siya sa ibang TV shows at pelikula tulad ng “At Your Service, Matutina,” “Ang Inyong Lingkod Matutina,” “Dancing Master 2,” at “Kapag Baboy Ang Inutang.”
Matatandaang siya ang tumitili at nanginginig na boses ng telebisyon sa Pilipinas, na nagpasikat ng mga katagang “Etcera, etcetera” at “Cheke mo o Cheke ko?”