BUMUO na ng investigation task group ang Mindoro Police na siyang tututok sa imbestigasyon hinggil sa pagpaslang sa Radio broadcaster na si Cresenciano Bunduquin, 50 anyos ng Barangay Canubing II , Calapan Mindoro.
Dalawang tao na ang hawak na ng task force na siyang magtuturo sa persons of interest .
Sinisilip na ng grupo ang lahat ng anggulo at motibo sa posibleng pagpatay kabilang ang personal na trabaho ng biktima bilang reporter at komentarista ng DWXR 101.7fm Kalahi FM online radio na isa ring negosyante.
Base sa imbestigasyon , tinambangan ang biktima ng riding-in tandem dakong alas-4:20 ng madaling araw habang nakatayo sa harap ng kanyang sari-sari store.
Bigla na lamang dumating ang dalawang hindi kilalang suspek na magkaangkas sa puting Honda motorcycle na may plakang DD22153 at agad na pinagbabaril ang biktima sa may C5 Road ng naturang barangay saka mabilis na tumakas papalayo sa lugar.