NANATILING matibay ang pananampalataya ni Kris Aquino sa Panginoon sa kabila ng kanyang karamdaman.Sa panayam kay Kris ng vlogger na si Mama Loi ay sinabi niyang mayroon na siyang 11 autoimmune diseases pero hindi raw siya susuko.
“Kinuha ko na lahat,(“means kota na sa sakit”) pero I’m at peace because feeling ko naman binibigay sa akin lahat ito to test my faith. Matibay ang pananampalataya ko. Siguro parang it’s God’s saying na, ‘Kaya mo pa ba? Magtitiwala ka pa?’” aniya.“Sorry, hindi ako bibigay. ‘Pag bumigay na ako, that means death bed na ‘yon, dahil kinuha na ako ni God,” dagdag niya.Okay naman daw siya at ang problema niya ngayon ay ang kanyang low blood pressure.“Ang latest problem ko is that my blood pressure is now very low from being very high and iyon ‘yung bago na na-diagnose sa akin,” aniya.
Inamin din ni Kris na hindi pa siya ready na mawala sa mundo.“I am not ready. I don’t think anybody is ready to say that they are ready to die especially kung bata pa ‘yung mga anak nila,” aniya.
Nagpasalamat din si Kris sa pamilyang tumulong sa kanya para makapanirahan sa tabing-dagat dahil malaki raw talaga ang naitulong sa kanya nito.
“To the family who allowed me to stay in their property, tumulong talaga sa paghinga. Nag-clear ito (tinuro ang kanyang ilong) and I’ve been breathing very well,” saad niya.At nagpapasalamat din sya sa mga tao na nagdarasal para sa kanyang kagalingan. Matatandaang sa recent Instagram post ni Kris ay ipinaliwanag niya ang bagong dalawang na-detect na autoimmune disease niya.
“I now have 9 primary autoimmune diseases , # 10 is a result of the 9, and I have an 11th disease that came about because of my lupus, rheumatoid arthritis, Sjogren’s and a few of my other autoimmune diseases,” pahayag niya.
