NATAGPUANG patay ang isang lalaki na bibili sana ng yelo noong Miyerkules sa San Fernando City, Pampanga.
Nakilala ang biktimang si Marlon Gabito, 34, ng Sta. Lucia, San Fernando City, Pampanga.
Natagpuang patay si Gabito dahil sa mga tama ng bala malapit sa Tail Dike sa Bgy. San Juan, San Fernando City.
Sinabi ng kapatid ng biktima sa pulisya na lumabas ng bahay si Gabito para bumili ng yelo ngunit hindi na umuwi.
Nang hanapin ng pamilya si Gabito, natagpuang wala nang buhay ang biktima sa kalsada at may tama ng bala sa likod.
Sinusuri naman ng pulisya ang kuha ng CCTV sa lugar para makilala at maaresto ang suspek.
