NAGKALASUG- lasog ang katawan ng isang 29-anyos na lalaki nang masagasaan ito ng tren sa Polangui, Albay .
Sa imbestigasyon ng pulisya , naglalakad ang di nakikilalang lalaki malapit sa riles ng tren nang atakihin ito ng kanyang sakit na epilepsy .
Bumagsak sa riles ng tren ang biktima at nagkataon namang may paparating na tren.
Dead on the spot ang biktima ng masagasaan ito hanggang sa nagkalasuglasug ang katawan .
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima upang ipaalam sa mga kaanak nito ang pangyayari.