GANAP nang batas ang Republic Act No. 12309 o “Free Funeral Services Act” na isinulong ni Marcos, magiging libre na ang mga pangunahing serbisyo sa pagpapalibing para sa mga mahihirap na pamilya sa buong bansa.
Sakop ng libreng serbisyo ang kabaong, burol, cremation o tradisyunal na libing, pati na rin ang transportasyon ng labi.
Tinitiyak ng batas na ang mga pamilyang kabilang sa poverty threshold ng Department of Economic Planning and Development ang unang makikinabang sa programa.
“Marami sa ating mga kababayan ang halos hindi na makabangon dahil pati sa kamatayan, may presyo,” ani ng senadora.
“Mahirap mabuhay, mahirap magkasakit, at lalong luho ang mamatayan. Panahon na para bigyan ng dignidad ang bawat Pilipinong namamatay, lalo na ang mga pinakamahihirap,” dagdag pa niya.
Panawagan naman ni Marcos na pondohan agad ang pagpapatupad ng batas at huwag gamitin sa pamumulitika.
“Bigyan ng budget na ito, ngayon na — at sana’y hindi ipagdamot ng mga ganid at lulong ang perang para sa mga pinakamahihirap na kababayang namatayan. Mahiya naman sana sila, pati patay nanakawan pa!” pagtatapos ng senador.
