Lider ng crime group arestado sa buy-bust operation sa Biñan City
Ni Alex dela Cruz

Kampo Heneral Paciano Rizal – ARESTADO ang leader ng Paguio Crime Group at isa pa nitong kasama sa ikinasang drug buy-bust operation ng Biñan PNP kahapon Oktubre 5, 2023.
Kinilala ni PCol Harold Depositar , Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alias Marvin at Daryl.
Ayon kay PLt Col Virgilio M Jopia , hepe ng Binan City Police Station nagkasa ang kanilang Drug Enforcement Unit (DEU) ng anti-illegal drug buy-bust operation kahapon sa ganap na 12:55 ng madaling araw sa Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ni alias Marvin Leader ng Paguio Crime Group at ng kanyang kasama matapos magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.
Nakumpiska sa mga suspek ang siyam (9) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang iligal na droga na may timbang na 1.9 gramo na nagkakahalagang humigit kumulang PhP13,110.00, isang coin purse na naglalaman ng PhP400.00, isang sling bag, isang unit ng Caliber 38. Revolver na may kasamang limang (50 pirasong bala, isang motorsiklo at buy-bust money.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” at RA 10591 “Illegal Possession of Firearms and Ammunitions”.
Samantala, ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Provincial Forensic Unit (PFU) para sa forensic examination and ballistic examination.
Sa pahayag ni PCol Depostirar , “Ang pagkakaaresto sa mga suspek na ito ay resulta sa mas pinaigting na kampanya ng Laguna PNP laban sa iligal na Droga. Binibigyang babala ko din ang ating mga kababayan na umiwas o wag masangkot sa pinagbabawal na gamot. Tutugisin namin kayo.”