NASAWI ang isang 66-anyos na babae nang tumawid sa National Highway sa Barangay Bamban , bayan ng Gumaca sa Quezon nitong araw ng Biyernes, Setyembre 27.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tumatawid si Lizanne Armonia nang biglang bumulaga sa kalsada ang isang motorsiklo.
Agad na tumilapon papalayo ang biktima kung saan nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.
Dead on arrival naman sa pagamutan ang biktima .
Habang ang driver na suspek ay nasa kostodiya na ng mga awtoridad at kasalukuyang iniimbestigahan na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
