
INILABAS ng LRT-1 na inilabasang advisory nitong Martes na ang huling tren nila ay aalis sa istasyon ng Dr. Santos sa Parañaque City sa ganap na 10:30 ng gabi habang ang huling tren mula sa istasyon ng Fernando Poe Jr. sa Quezon City ay aalis ng alas-10:45 ng gabi.
Ang LRT-1 ay ang pangalawang linya ng tren na nagpalawig ng oras ng operasyon nito sa gabi, kasunod ng parehong hakbang ng MRT-3 na nagsimula noong Lunes.
Mula Lunes hanggang Biyernes, aalis ang unang tren sa mga istasyon ng Dr. Santos at Fernando Poe Jr. sa 4:30 a.m. at 5 a.m. tuwing weekend at holidays.
Noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng inspeksyon si Transportation Secretary Vince Dizon sa MRT-3 at nanawagan sa pamunuan na palawigin ang oras ng operasyon nito para maging mas madali at mas maginhawa ang biyahe ng mga pasahero.
Ang LRT-1 ay may kabuuang 25 na istasyon: Fernando Poe Jr., Balintawak, Monumento, 5th Avenue, R. Papa, Abad Santos, Bluementritt, Tayuman, Bambang, Doroteo Jose, Carriedo, Central Terminal, United Nations, Pedro Gil, Quirino, Vito Cruz, Gil Puyat, Libertad, EDSA, Baclaran, Redemptorist-Anoy Santos.