May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

LTO pinaiimbestigahan ang multiple motorcycle collision sa Laguna

ISANG masusing imbestigasyon ang ipina -utos ni  Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II makaraang  masawi ang isang katao sa banggaan ng motorsiklo  noong Linggo ng madaling araw sa Sta.Rosa City Laguna.

Inatasn ang LTO R4 A na maglabas ng show cause order  laban sa mga sangkot na motorcycle riders.

Base sa ulat , nasangkot ang apat na motorsiklo at isang biskleta sa karambola sa  barangay Aplaya ng nasabing lugar.

Pawang mga walang suot na helmet ang mga riders  nang mangyari ang trahedya.

Namatay ang back rider na nasagasaan pa ng motorsiklo ang biktima kaya mabilis itong dinala sa Sta.Rosa Community Hospital.

Sinabi pa ni Mendoza  na nilabag ng mga motorcycle riders na ito ang Republict Act 10054 na nag-uutos ng pagsususot ng helmet at back rider  nito .