ISINAILALIM sa Red Alert status ang Luzon simula alas-4:00 ng hapon hanggang alas – 10 ng gabi matapos kulangin ang suplay ng kuryente at transmission grid dahil sa laki ng demand ng mga consumers ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ngayong umaga ng Huwebes, Mayo 14.
Nasa Yellow Alert status naman bandang alas -3- 4 ng hapon at alas -10 – 11 ng gabi .
Pumalo lamang sa 12,479MW ang available capacity ng grid habang nasa 12,595MW naman ang peak demand ng kuryente .
Sinabi ng NGCP na nasa 17 planta ang nasa forced outage simula pa noong Marso 2026, habang nasa tatlong planta naman simula pa 2025, dalawang planta simula pa noong 2024, at isang planta naman ang wala na sa serbisyo simula pa noong 2019.
Tinatayang nasa 14 planta naman ang tumatakbo sa mga derated na kapasidad, para sa kabuuang 4,242.5MW na hindi magagamit sa grid.
