
Arestado sa ikinasang One Time Bigtime “Hulidays ” ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit Calabarzon ang mag-amang Top 7 Most Wanted Persons sa lalalawigan ng Quezon bago ang araw ng kapaskuhan.
Tinukoy ni CIDG4-A regional Chief Joel Manuel Ana ang mga suspsek na sina Melvin Añana Sr. at Melvin Añana Jr. na may kasong frustrated Murder na isinampa ni Neil Patallar noong Enero 19,2019 ng Brgy. Talao-talao , Lucena City.
Huli ang mag -ama sa bisa ng warrant arrest na inisyu ni Presiding Judge Aristotle Reyes ng Regional Trial Court Branch 15 ng Lucena City noong Oktubre 17.
Nasakote si Melvin Jr. sa Calatagan ,Batangas apat na araw bago ang Pasko habang si Melvin Sr. naman ay naaresto nitong bisperas ng kapaskuhan.
Ang pagkasa ng manhunt operation ng mga otoridad ay ang inaasahang pag uwi ng mga suspek sa kanilang pamilya.
Sinabi ni CIDG director PBGen.Ronald Lee na ang operasyon ay upang maging ligtas ngayong Holiday season ang bawat pamilya kasabay ang paghuli sa mga suspek na pinaghahanap ng batas.