
NAGDEKLARA ang Malacañang ng Proklamasyon Blg. 453 sa darating na Biyernes, Pebrero 9, 2024, bilang special non-working day sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Nakasaad sa proklamasyon , “The declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend,” ayon sa pahayag na nilagdaan ng Pangulo at Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ang pahayag ng Palasyo, na nilagdaan noong Enero 18, 2024, ay nagtatakda sa Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng angkop na circular sa pagpapatupad ng proklamasyon para sa pribadong sektor.
Ang Proklamasyon Blg. 368 na may petsang Oktubre 11, 2023, ay nagdeklara ng Pebrero 10, 2024 (Chinese New Year), Sabado, bilang isang espesyal na hindi-regular na araw sa buong bansa.
Ang Chinese New Year ay ang pagdiriwang na nagpapakita ng pagsalubong sa simula ng bagong taon sa tradisyunal na lunisolar na Chinese calendar.