
KUMPISKADO ang higit 150k na illegal na droga isang mangingisda makaraang isagawa ang buy-bust operation kagabi sa Buklod Pangarap corner Diversion Rd. Brgy. Calahan Cardona, Rizal.
Base sa ulat ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic Baccay kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Antonio C Yarra,nakilala ang suspek na si Mark Glenn Gonzaga y Bueza,24 anyos ng Alejandro St. Brgy. Calahan, Cardona ng naturang bayan.
Nagsagawa ng buy –bust operation ang mga operatiba ng Cardona Municipal Police Station bandang alas 11:50 ng gabi sa nabanggit na lugar kung saan umaktong bibili ng shabu ang isang pulis.
Kumpiskado ang 10 pirasong heat –sealed transparent plastic sachets na hinihinalang shabu na may timbang na 23.19 grams at tinatayang nasa 157,760 pesos.
Agad na dinala ng mga otoridad sa PFU-Rizal ang mga nakumpiskang droga at sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5 and Sec. 11 of Art. II of RA 9165 o a”Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002″ ang naturang suspek.