
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pansamantalang sinuspindihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang mga Local Government Units (LGUs) sa ang pagbabawal sa mga electric vehicle na dumaan sa mga pangunahing lansangan ngayong Huwebes .
Sinabi ng Pangulo na pagbigay ng isang pang buwan para sa MMDA upang suriin muli ang Regulation No. 24-022 series of 2024 mna magpapataw ng mga traffic violation ticket, pag-mumulta, at ang impounding ng mga e-vehicle.
“Ngayong araw na ito, iniutos ko sa MMDA at sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila na bigyan ng palugit ang mga e-bikes, e-trikes at iba pang apektadong sasakyan na dumadaan sa ilang tukoy na daan sa Metro Manila,” sabi ni Pangulong Marcos, na nagtutukoy sa MMDA Regulation No. 24-022 series of 2024.
“Kung paparahin man sila, ito ay upang maayos na maituro ang mga kalsadang maari nilang gamitin, pati na ang pagpapaalala ng mga bagong patakaran na ipinatutupad upang paigtingin ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng regulasyon ng MMDA, ipinagbabawal ang pagdaan sa mga pambansang at circumferential na kalsada sa Metro Manila ng mga e-vehicle tulad ng e-bikes at e-trikes kasama ang mga tricycle, pedicab, pushcart, at ang tinatawag na kuliglig upang magpromote ng kalinisan sa kalsada.
May multang Php2,500 ito, ayon sa MMDA.
Matatandaan na kahapon , araw ng Miyerkules (Abril 17) nagsimula nang manghuli ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority(MMDA) mula alas-10 ng umaga kung saan umabot sa 69 indibidwal ang natiketan habang pito ang na-impound na unit.
Kabilang sa mga nahuli ay 46 tricycle, tatlong pedicab, siyam na e-trike at 11 e-bike.