HUMIGIT -kumulang 70 tauhan ng South Luzon Expressway (SLEX) ang nagtipon ngayong araw sa Kilometer 54 sa kahabaan ng northbound lane sa Cabuyao, Laguna para magsagawa ng protesta laban sa pamunuan ng San Miguel Corporation (SMC).
Ang protesta, na nagsimula noong madaling araw na isinagawa dahil sa diumano’y iligal termination at mababang suweldo.
Inokupahan ng mga nagpoprotesta ang bahagi ng kalsada, na nagresulta sa mabagal na daloy ng trapiko sa kahabaan ng SLEX patungong Northbound .
Nakaranas ng pagkaantala ang mga motorista habang nagpapatuloy ang demonstrasyon, na wala pang opisyal na pahayag na inilabas ng SLEX management o SMC tungkol sa mga hinaing ng mga manggagawa na nagkaroon ng epekto sa daloy ng trapiko.
Sa ngayon ay sinusubaybayan ng mga awtoridad ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan at maibalik ang normal na kondisyon ng trapiko.
