
HINDI isinali ng Department of Agriculture (DA) sa 3,000 fuel subsidy mula gobyerno ang mga magsasaka ng palay at gulay .
Nilinaw ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, tanging ang mga corn farmers at mangingisda ang kabilang sa listahan ng kanilang kagawaran. Aniya, “Pawang corn farmers at mangingisda ang nasa listahan ng 162,000 na makakatanggap ng subsidy,” mayroon pang isang programa kabilang ang mga rice at vegetable growers.Sa kantunayan aniya, mas malaki pa ang inilaan ng gobyerno sa mga magbubukid na nagpupunla, nagsasaka at nag-aani ng palay at mga gulay.
Sa ilalim ng programang Rice Farmer Financial Assistance, P5,000 aniya ang makukubra ng mga magsasakang nasa kanilang talaan.Bukod sa pera, namamahagi na rin aniya ang kanilang kagawaran ng ng mga trak sa mga kooperatiba ng mga magsasaka sa hangaring pabilisin ang pagbibyahe ng kanilang mga ani sa pamilihan.