May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

Mga opisyal ng NPO kinasuhan sa Ombudsman

Ni Chris Lucas

SINAMPAHAN ng patung-patong na kaso sa Office of the Ombudsman noong Huwebes, Oktubre 20, 2022, ang mga opisyal ng National Printing Office (NPO) na sangkot umano sa ilegal na pagbabayad ng Php197 milyon sa Holy Family Printing Corporation.

Ayon sa pangulo ng Task Force Kasanag na si John Chiong, nagsimula ang reklamo matapos pagbigyan ng mga nabanggit na opisyal ng NPO na i-refund ang P197 milyon na kinita ng gobyerno sa pinasok nitong kontrata sa kumpanyang Holy Family Printing Corp. para sa pag-imprenta ng mga balota noong May 2022 elections. 

Kabilang sa mga kinasuhan ng Violation of Section  3(e) of Republic Act  No. 3019; Plunder (Republic Act No.7080); Grave Miscounduct at Gross Neglect of Duty ay sina NPO director Carlos Bathan, Engr. Benedicto Cabral, Yolanda Marcelo, Leah dela Cruz at Rosa Muñoz mula sa NPO, kasama rin sa kinasuhan ang may-ari ng Holy Family Printing Corp. na si Leopoldo Gomez.

Sa Joint-Venture Agreement at Revenue Sharing Agreement dapat makakuha ang NPO ng P2.00 kada balota at 16.88% na kita sa printing habang makukuha naman ng Holy Family Printing ang 83.11% na kita. 

Pero siningil umano ng Holy Family Printing sa NPO ang 16% na kita ng gobyerno. 

Batay sa reklamo ng TFK, gumamit pa umano ng kwestiyonableng Authorization Letter ang mga opisyal ng NPO mula kay dating Press Secretary Atty. Trixie Cruz Angeles para payagan na maipabas ang pondo.

Paliwanag pa ni Chiong na dapat dumaan sa Commission on Audit (COA) kung may hinihinging badyet ang private company at hindi basta-basta ibinibigay ng ahensiya ang nasabing pera.

Kinuwestiyon din ng grupo ang hindi pagkakaroon ng Public Bidding sa nasabing kontrata. 

Si John Chiong ay tinaguriang “Berdugo Laban sa Corrupt ” dahil sa matapang nitong adbukasiya sa anti-illegal drugs, anti-criminality, anti-terrorism at anti-corruption sa mga taong gobyerno na kung saan 13 years na umano itong ipinaglaban.