DUMATING na ang isang batch ng mga Pilipino mula sa Gitnang Silangan patungong Maynila sakay ng Philippine Airlines flight PR8502, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na inaasahang lalapag ang flight mula Riyadh, Saudi Arabia sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) alas-6:35 ng umaga, sakay ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na umuuwi bilang bahagi ng nagpapatuloy na repatriation efforts ng pamahalaan.
Mag-aantabay bukas ang mga awtoridad at support teams sa paliparan upang tulungan ang mga pasaherong darating.
Bibigyan din sila ng kaukulang tulong upang mapadali ang kanilang pagbabalik sa kani-kanilang probinsya.
Ang pagdating na ito ay ikalawang batch ng mga repatriates mula sa Gitnang Silangan sa gitna ng tensyon sa rehiyon, kasunod ng naunang pagsisikap na maiuwi ang mga Pilipino.
Ang unang flight na may sakay na mga nirepatriate mula Dubai ay dumating noong Marso 5.
