Skip to content
July 21, 2025
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
cropped-cropped-logo.png

Direct from the source

Primary Menu
  • Home
  • Nation
  • Regions
  • Feature
  • Metro
  • Business
  • Entertainment
  • International
  • Healthbits
  • Tourism
Live
  • Home
  • Nation
  • Mga reporma ni PNP chief Torre sa hanay ng kapulisan, suportado ni Jinggoy
  • Nation

Mga reporma ni PNP chief Torre sa hanay ng kapulisan, suportado ni Jinggoy

admin June 19, 2025
pnp4
Post Views: 56

SUPORTADO ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang mga ipinatutupad na reporma ng bagong talagang Philippine National Police (PNP) chief na si Gen. Nicolas Torre III habang kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pinabilis na police response na aniya ay hindi lamang kailangan kundi matagal na dapat ipinatutupad.

“Mahalagang-mahalaga na may tiwala ang publiko sa kapulisan. Kapag nakikita nilang may integridad at propesyonalismo ang mga pulis, mas magiging bukas ang mga tao na makipagtulungan sa paglaban sa krimen at sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating mga komunidad,” ani Estrada.

Sinabi ni Estrada, chairperson of the Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, na kanyang susubaybayan ang mga bagong patakaran sa hanay ng pulisya sa ilalim ng pamumuno ni Torre at sinasang-ayunan niya ang mga kinakailangang reporma para matugunan ang mga hamon sa seguridad sa bansa.

Bagama’t nagkaroon siya ng agam-agam sa pagkakahirang kay Torre sa posisyon, sinabi ng pinuno ng Senado na ang mga ipinatutupad ni Torre ay nagpapakita ng kanyang malalim na pag-unawa sa kinakailangang agarang reporma sa institusyon.

“Ang pamumuno ay hindi pagpapasikat lamang kundi pagkakaroon ng malinaw na direksyon at tapang na gumawa ng mahihirap na desisyon para sa ikabubuti ng institusyon,” sabi ng batikang mambabatas patungkol sa naging desisyon ni Torre na alisin sa puwesto ang ilang matataas na opisyal ng pulisya na nabigong tugunan ang itinakdang limang minutong pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong.

Aprubado rin kay Estrada ang pagpapatupad ng walong oras na shift sa trabaho ng mga pulis dahil aniya’y makakatulong ito upang magkaroon sila ng balanse sa trabaho at personal na buhay. Dagdag pa niya na ang mga ganitong patakaran ay makakatulong upang matiyak na nakatuon ang oras nila sa trabaho at magiging epektibo sa pagtugon sa kanilang mga tungkulin.

Aminado si Estrada na hindi madaling solusyunan ang mga suliranin sa sistema, ngunit kanyang iginiit na ang mga reporma gaya ng pagpapatupad ng mahigpit na pananagutan sa mga tiwaling pulis, modernisasyon ng teknolohiya sa PNP, at pagpapalakas ng pagkakaisa at moral sa hanay ng kapulisan ay mahahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang propesyonal, tumutugon, at mapagkakatiwalaang kapulisan.

Iginiit din ni Estrada na kailangan din na tiyakin na maaalagaan ang kapakanan ng mga rank-and-file na opisyal at masiguro na ang mga reporma ay may makatarungang pagtrato at may kaakibat na insentibo sa mga naglilingkod nang may integridad.

About the Author

admin

Administrator

Author's website Author's posts

Continue Reading

Previous: Alarming high Mercury levels found in popular skin creams sold in Bangladesh
Next: Marcos appeals to parents, teachers to train children proper diet, less sugary food

Related Stories

Screenshot_20250720_195218_Facebook
  • Entertainment
  • Nation

Rep. Khonghun hails Pacquiao as timeless symbol of Filipino strength

admin July 20, 2025
20250718-eGovPH-ph2
  • Nation

Ordinary folk thank PBBM for easy access to gov’t services at eGovPH Serbisyo Hub

admin July 19, 2025
hrep
  • Nation

House defends impeachment process against VP Duterte in SC compliance filing

admin July 19, 2025

Archives

Categories

Recent Comments

  1. meaning of allahumma barik laha on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  2. 오피 on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  3. togel online on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services

Pages

  • About Us
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Search

You may have missed

Screenshot_20250720_195218_Facebook
  • Entertainment
  • Nation

Rep. Khonghun hails Pacquiao as timeless symbol of Filipino strength

admin July 20, 2025
FB_IMG_1752984745521
  • Regions

Construction worker nanaksak ng kainuman, natimbog ng Batangas Pulis sa loob ng 3- minuto

admin July 20, 2025
ACCIDENT
  • Regions

78-anyos na Koreano patay nang masagasaan habang tumatawid ng kalsada sa Angeles City

admin July 20, 2025
20250718-eGovPH-ph2
  • Nation

Ordinary folk thank PBBM for easy access to gov’t services at eGovPH Serbisyo Hub

admin July 19, 2025
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Contact Us
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
©2023 theinsidernews.info / All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept”, you consent to the use of ALL the cookies.
Do not sell my personal information.
Cookie SettingsAccept
Manage consent

Privacy Overview

This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary
Always Enabled
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
CookieDurationDescription
cookielawinfo-checkbox-analytics11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional11 monthsThe cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy11 monthsThe cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytics
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.
Others
Other uncategorized cookies are those that are being analyzed and have not been classified into a category as yet.
SAVE & ACCEPT