Puerto Princesa City, Palawan – NAGPAKITA gilas ang Pilipinas, Estados Unidos, at Australia sa pamamagitan ng ng sabayang ehersisyong militar na ginanap kahapon, Apbril 28, 2025, sa Kampung Ulay, Rizal, Palawan bilang bahagi ng Exercise Balikatan 40-2025.
Itinampok ang counter-landing at live fire scenario na layong palakasin ang kahandaan ng mga kaalyadong bansa laban sa mga banta sa dalampasigan.
Sa isana simulation exercise, nagpamalas ang Philippine Navy—gamit ang kanilang Multi-Purpose Attack Crafts (MPACs) at Fast Attack Interdiction Craft (FAIC)— at matagumapay na napahinto ang kunwaring pag-atake mula sa dagat. Kasunod nito ang sabayang putok ng pwersang pandagat at panlupa na nagpakita ng mahusay na koordinasyon at gamit ang makabagong kagamitang pandigma na Howitzers at High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS).
Pagkatapos nito ay ipinakita ng magkakaalyadong tropa ang kanilang kakayahang maglunsad ng mabilis at wastong opensiba gamit ang maliliit na armas gaya ng .50 caliber machine guns at M16 rifles.
Dumalo bilang tagamasid naman ang mga miyembro ng Japan Self-Defense Forces upang magbigay pa ng dagdag kooperasyong panseguridad sa Indo-Pasipiko.
Ang Balikatan 40-2025 ay dinaraos upang patuloy na mapangalagaa ng mga bansang magkakaalyado para sa kapayapaan, katatagan, at kolektibong depensa sa rehiyon.
