May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

MM mayors , gusto ng Alert level 0 sa susunod na classification status

Ni Len Dancel

IMINUMUNGKAHI na ng mga Metro Manila Mayors na mailagay ng Inter Agency Task Force (IATF ) sa Alert level zero ang buong National Capital Region (NCR ) sa mga susunod na araw .

Handa na rin daw umano ang NCR na ibaba ito sa alert level zero ,ayon sa Metropolitan Manila Development Authority ngunit ang IATF pa rin ang susundin ng mga mayors.

Sinabi ng Department of Health na posibleng luwagan ang alert status sa bansa dahil sa mababang pagkakatala ng hindi lalagpas sa 1,000 kaso kada araw sa anim na magkasunod na araw,

Sa ngayon ang NCR at 38 iba pang mga lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang ngayong araw , Marso 15.