
Photo Courtesy Batangas Police Provincial
PATONG-patong na kaso ang kinakaharap ng isang suspek na naaresto ng mga awtoridad sa checkpoint sa National Hi-way Brgy.Talaibon ,Ibaan ,Batangas kahapon .
Walang suot na helmet si Ronilo Gallego y Flores,43 anyos ,helper na tubong Negros Occidental .
Sinita ito ng mga awtoridad at hiningi ang lisensya ngunit napag-alamanan na peke ito.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, may warrant of arrest ang suspek dahil sa kasong murder na inisyu mula sa Regional Trial Court ,6th Judicial Region ,Branch 40, Silay City noong Hulyo 1,2014 .
Agad na ikinulong ang suspek sa Ibaan Municpal Police Station .
Sinabi naman ni Batangas Police Provincial Director Col.Glicerio Cansilao , Ang accomplishment na ito ay bunga lamang ng mas pinaigting na police checkpoints sa lalawigan ng Batangas.Ito ay parte na rin ng ating layunin na masiguro ang SAFE 2022 hanggang sa matapos ang election period sa Hunyo 8,2022.Umaasa pa rin po kami sa higit ninyong suporta at pakikiisa upang masiguro ang peace and order sa ating probinsya.