Camp Vicente Lim, Laguna-ARESTADO ang Most wanted sa National level na suspek na 30 taong nagtago sa batas makaraang paslangin ang isang pulis sa Barangay Balele,Tanauan City Batangas.
Base sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCol.Pedro Soliba kay PRO Calabarzon Regional Director pbGen Jose Melencio Nartatez Jr.nadakip ang suspek na si Cesar Andal y Ambrosio, 61 taong gulang, walang asawa at trabaho, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. East Valencia, Buenavista, Guimaras.
Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng pinagsamang pwersa ng Tanauan City Police Station, Anini-y Municipal Police Station-Antique Police Provincial Office at Jordan Municipal Police Station-Guimaras Police Provincial Office ganap na ika-9:15 ng umaga ng Lunes sa nabanggit na lugar.
Si Andal ay suspek sa pamamaril kay SPO2 Herminigildo Mercado y Guerrero na nangyari noong March 19, 1993 sa Brgy. Balele, Tanauan City, Batangas na nagresulta sa agarang pagkamatay ng bitkima.
Ang suspek ay tinaguriang Most Wanted Person National Level na may pabuya na P60,000.00 mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tanauan City Police Station ang naarestong most wanted person.
