
Camp Gen. Miguel C. Malvar, Batangas City – INARESTO ng mga tauhan ng Batangas Component City Police Station at Ragay Municipal Police Station ang provincial most wanted person nitong Abril 1, 2025 bandang 12:50 ng hapon sa lalawigang ito..
Kinilala ang suspek na si @Joven, 25 taong gulang na tubong Masbate at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Gulod Labac, Batangas City.
Ang pag-aresto ay ginawa alinsunod sa Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Florencio S. Arellano, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 1, Batangas City na may Criminal Case No. 17-22307 para sa paglabag sa R.A. 6539 (Anti-Carnapping Act of 1972), na may petsang Abril 20, 2018,na walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa temporary custodial facility ng Ragay Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Ayon kay Batangas Police Provicial director PCol Jacinto Malinao Jr., “Pinupuri ko ang aming koponan para sa kanilang walang humpay na paghahangad ng katarungan sa paghuli sa mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest. Patuloy naming paiigtingin ang aming mga pagsisikap upang matiyak na ang mga kriminal ay dadalhin sa hustisya at mananagot.” .