NAGLIYAB ang isang motor yacht sa katubigan sa pagitan ng Barangay Mabini at Barangay Mabulo sa San Fernando, Romblon ngayong araw, Hulyo 19, 2026.
Agad na nirespondehan ng Philippine Coast Guard (PCG) at nagsagawa ng search and rescue operation hinggil sa nasusunog na yate na may pangalang MY Jason bandang ala-1 ng hapon.
Apat na tripulante ang agad rin nailigtas ng mga mangingisda mula sa nasusunog na motor yacht at walang naiulat na sugatan .
Batay sa inisyal na imbestigasyon, umalis si Jason ng Subic Yacht Club noong 10AM noong Hulyo 17, 2026 patungong Consolacion, Cebu.
Ayon sa kapitan ng barko, nagmula ang apoy sa engine compartment.
Sinabi ng PCG Spokesperson na si Commodore Noemie Cayabyab na kapag nakontrol na ang sunog, hihilahin ng Coast Guard ang motor yacht sa mas ligtas na lokasyon na malayo sa navigable channel upang maiwasan ang sagabal sa trapiko sa dagat at mabawasan ang mga potensyal na panganib .
“Naglalabas din ang PCG ng mga safety advisory sa mga barkong dumadaan sa lugar habang patuloy na minomonitor ang sitwasyon pagkatapos ng insidente”, ani ni Cayabyab.
