NAGBUGA ng kulay gray na abo ang Bulkang KANLAON sa Negros Island noong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na ang “ashing” event ay naobserbahan sa 11:49 a.m. hanggang 12:02 p.m. Sabado.
Wala namang naitalang seismic o infrasound signal na na-detect.
Ang mga kaganapan ay nakitaan ng light grayish plumes na umakyat sa 500 metro ang taas na umabot sa bunganga bago napadpad sa timog gaya ng naitala ng Canlaon City Observation Station IP Camera.
Batay sa volcano bulletin, 31 volanic earthquakes ang naganap mula 12 a.m. ng Nobyembre 1 hanggang 12 a.m. ng Nobyembre 2.
Naglabas ang bulkan ng 6,993 tonelada ng sulfur dioxide, ani Phivolcs.
Nananatili ang Alert Level 2 o “increased unrest” sa Bulkang Kanlaon.
Sinabi ng Phivolcs na maaaring mangyari ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions sa bulkan.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius na Permanent Danger Zone (PDZ).
Pinayuhan ang mga piloto na huwag lumipad malapit sa Kanlaon Volcano dahil ang anumang pagsabog ay maaaring magdulot ng panganib sa sasakyang panghimpapawid.