
TARGET ng Department of Agriculture (DA) sa unang qurter ng taong 2023 na magkaroon ng mga retail strores sa ilang piling lugar sa Metro Manila at wet markets upang mas mapadali ang pagpasok ng mas murang pagkain.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Consumer Affairs at tagapagsalita na si Kristine Y. Evangelista, inaasahan ito na magkakaroon sa kamaynilaan upang masolusyunan ang lumolobong presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Dagdag pa niya, “Isa sa mga tinitingnan natin ngayon ang pagkakaroon ng accredited KADIWA retailers sa loob mismo ng mga palengke para po magkaroon ng access ang ating mga kababayan sa mas murang agricultural commodities— lalo na’t ngayon na mayroon naman tayong mga na-identify na cooperatives na handa na na mag-supply sa palengke. So in the event na mayroong hesitation ang ating retailers sa palengke, at least ito po ay pamamaraan na rin para mahikayat sila na mag-shift ng supplier kasi ang ating objective is mapababa talaga ang presyo sa palengke,” .
Ang KADIWA ay isang programa ng DA upang masiguro na magkaroon ng murang pagkain sa mga lugar na kung saan ay may matataas na presyo ng bilihin para sa mga may low-income na pamilya.
Sa ngayon ay nasa 308 KADIWA stores at KADIWA-on-Wheels ang pinoproseso ang aplikasyon ng akreditasyon .