NASAKOTE ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SIACT) ang isang mandurukot, matapos manglaslas ng bulsa ng pasaherong nakatulog sa loob ng bus ng EDSA Bus Carousel noong Sabado.
Agad naman ni-report ng pasahero sa mga naka – duty na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nasabing lugar ng busway station.
Natimbog kaagad ang di pa pinangalanang magnanakaw at kasalukuyan nasa kustodiya ng Cubao, Quezon City PNP .
Narekober ang cellphone ng biktima at ilang mahahalahagang gamit mula sa suspek.