
PINAGSAKSAK hanggang sa napatay ng isang 18-anyos na binata ang tatlong katao matapos umano itong masermunan ng kanyang ina sa Catanauan,Quezon.
Base sa ulat ni Capt.Lindley Tibuc ,acting hief of police ng Catanauan Police Station nakilala ang suspek na si Rey Jhon Villena Lazo na isang grade 7 student ng Barangay Madulao ng bayang ito.
Dead on the spot dahil sa saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang kanyang inang Rosita ,54 anyos ; isang kapatid at kapitbahay nitong pawang mga menor de edad .
Ginagamot na sa Bondoc Peninsula Hospital ang sugatang kapit-bahay na si Loreta Petalbo Donor,68 anyos, makaraang atakihin rin ni Rey Jhon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente nang umuwing lasing ang suspek bandang 2;30 ng madaling araw ng Lunes kaya ito nasabon ng kanyang ina.
NAgdilim agad ang paningin ng suspek kayat agad nitong kinuha ang kutsilyo saka pinagsaksak ang ina at kapatid na babae.
Nadinig ito ng kanyang mga kapit-bahay kaya agad na nagsisigaw upang humingi ng tulong sa iba ngunit inatake rin sila ng suspek.
“Ang sabi n’ya, dumating siya na lasing at pinagalitan daw siya ng nanay n’ya at ang sabi ay huwag na raw siyang umuwi. Pero may isa anggulo pa kaming iniimbestigahan,” ito ang pag-amin ng suspek sa mga pulis.
Nahaharap sa kasong parricide, murder and frustrated murder ang suspek.