May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

Mister probinsyano

Kasama si Ara Mina ng kanyang mister na si dating  Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary at  congressional bet Dave Almarinez sa paglulunsad ng 61 free wifi zones sa San Pedro City ,Laguna nitong nakaraang Lunes.

Makikinabang ng 24\7 connections ng libreng  wifi ang 27 barangay  sa mga pampublikong lugar tulad ng palengke,malls,terminals at higit sa lahat ang mga batang mag-aaral sa kanilang  lungsod.

Isusulong niya sa kongreso ang pagkakaroon ng maayos na pasilidad na magkaroon ng  pampublikong ospital  upang maraming mamamayan sa buong rehiyon ang makinabang kung siya ay papalaring makaupo sa kongreso.