SIMULA nitong Lunes, Marso 24, extended na ang operating hours sa MRT-3.
Ang oras ng pagsasara sa North Avenue Station ay 10:25 p.m. habang ang oras ng pagsasara ng pasukan ng bagong istasyon sa Taft Avenue Station ay 11:04 p.m.
Batay sa isang advisory, ang mga unang tren ng MRT-3 ay umaalis sa nasabing mga istasyon sa ganap na 4:30 ng umaga at 5:05 ng umaga.
Ang pinalawig na oras ng operasyon ay ipinatutupad matapos magsagawa ng inspeksyon si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa mga istasyon ng Taft, Ayala at Shaw noong Marso 17 upang suriin ang kalagayan ng mga bumibiyahe sa tren.
Ayon sa DOTr, mas maraming tren ang ipapakalat sa peak hours para sa mas mabilis na biyahe ng mga mananakay.
Ang 16.9-kilometrong linya ng tren, na may 13 istasyon, ay tumatakbo mula sa North Avenue station sa Quezon City hanggang sa Taft Avenue station sa Pasay City.
Ang MRT-3 ay tumatakbo mula Lunes hanggang Linggo.
