TINATAYANG mahigit o kulang sampung kilo ng tuyong dahon at buto ng marijuana na nagkakahalaga ng Php1,200,000.00 ang itinurn-over ng isang residente sa Barangay Sinalhan, Santa Rosa City, Laguna noong Setyembre 10, 2025 bandang alas-3 ng hapon.
Ang mga blokeng hinihinalang marijuana ay nakalagay sa vacuum sealed plastic nang dalhin sa PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team 1 sa PDEA Regional Office.
Isasailalim sa qualitative at quantitative examination ang illegal na marijuana.
Nagpapasalamat naman ang PDEA Calabarzon ang suporta at pagtitiwala na nagmumula sa mamamayan . Hinihikaya rin na iulat ang mga katulad na insidente sa pamamagitan ng kanilang hotline number 0917-8422738 o email sa pdearoc4a@gmail.com
