TINATAYANG P1.4 bilyong halaga ng mga imported luxury vehicles—kabilang ang Ferrari, Lamborghini, Maybach, at Maserati ang natagpuan sa mga warehouse sa Pasay City at Parañaque City nang magsagawa ng operasyon ng Bureau of Customs’ (BOC) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) nitong Martes, Pebrero 13, 2025.
Nakatanggap ang BOC-CIIS ng mga larawan ng mga diumano’y smuggled na mamahaling sasakyan na ibinebenta online kaya naman agad na inaksyunan upang beripikahin kung lehitimo ang kanilang pag-angkat at pagbabayad ng tamang buwis .
Kinilala ng BOC ang mga nagbebenta na sina AC Che Gong Miao sa Pasay City at TopCar Specialist and Trading Corp. naman sa Parañaque City.
Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, “This operation signals a new approach in the BOC’s operational strategies in going after smugglers and ensuring collection of rightful revenues due the government. It sends a message to all importers who think they’re already safe after their products have entered Philippine territory thru illegal forms and means. We want them to know that we have eyes everywhere. We are not stopping, and we are not slowing down. We’re always one step ahead of them,”
Agad namang nagpadala ng mga Letters of Authority (LOAs) at Mission Orders (MOs) sa mga kinatawan ng nakitang mga luxury vehicle sa lugar nang dumating ang BOC-CIIS team .
Sinabi ni Director Enciso na ang ilan sa mga natagpuan sa lugar ay may mga tatak na AC Che Gong Miao sa Pasay City ay mga unit ng Ferrari LaFerrari, Lamborghini McLaren, Maserati, Rolls Royce, Mercedez Benz, Maybach, Range Rover, Bentley, Alphard, at Jeep Wrangler.
Sa TopCar Specialist and Trading Inc. sa Parañaque City naman ay natagpuan ng team ang Rolls-Royce Cullinan, Ferrari SF90 Stradale at Mansory, Mercedes-Benz V-Class, Maybach, at BMW.
Ang mga may-ari, lessee, lessor, okupante, kinatawan, o sinumang partido na responsable para sa mga bodega ay binigyan ng 15 araw mula sa pagtanggap ng mga LOA upang isumite ang mga kinakailangang dokumento na nagpapatunay na ang mga tungkulin at buwis ay binayaran nang tama.
Kapag napatunayang walang kaukulang dokumento, mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Sections 1400, 1401 in relation to Section 1113 of Republic Act 10863, o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
