
NASABAT ng miyembro ng Philippine National Police ang higit kumulang dalawang toneladang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 13.3 bilyong piso sa isang checkpoint sa bayan ng Alitagtag , Batangas ngayong Abril 15 bandang alas -8 pasado ng umaga.
Base sa ulat ng Alitagtag Municipal Police Station, nakilala ang suspek na si Ajalon Michael Zarate , residente ng Project 4 , Quezon City.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad , sakay ng isang Foton passenger van na may plakang CBM5060 ang halos higit kumulang dalawang toneladang hinihinalang shabu .
Agad na inaresto ang suspek kung saan kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga awtoridad.
Sa ngayon ay Inaalam pa ang ibang detalye ng pinagmulan at pagdadalhan ng mga illegal na kontrabado.