NASAKOTE ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang ilang ” unclaimed parcels” na naglalaman ng ilegal na droga na may tinatayang halagang PhP 14,825,400 sa Central Mail Exchange Center (CMEC).
Idineklara bilang “hardware” isang parcel mula sa Wilmington, California, USA noong ika-19 ng Enero 2024.
Sumailalim sa pagsusuri at natuklasan ng mga awtoridad ang 2,452 gramo ng cocaine na nakatago sa loob ng itim na bolts na balot sa isang parcel na tinatayang may halagang PhP12,995,600 .
Nasamsam ang anim (6) na parcel na may mga lamang iba’t ibang personal na mga gamit.
May kabuuang 1,307 gramo na may tinatayang halagang PhP1,829,800 na halaga ng marijuana na nakatago sa loob ng mga parcel
Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at sa Customs Modernization and Tariff Act ang mga consignee ng parcel.