KUMPISKADO ang mahigit Ph20 milyon halaga ng smuggled fuel sa dalawang fuel tanker na di-umno’y “nagpapaihi” sa Navotas noong Setyembre 18, 2024.
Ayon kay ng Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio , isang impormasyon ang kanilang natanggap mula sa isang asset kaya agad na ikinasa ang operasyon ng Customs Investigation and Intelligence Service – Manila International Container Port (CIIS – MICP) agents , katuwang ang Enforcement Group – Fuel Marking Agents at ang Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana laban sa smuggling sa Navotas.
Naaktuhan ng mga BOC team ang isang patuloy na iligal na paglipat ng gasolina sa gilid ng barko upang maiwasan ang pagbabayad ng tamang buwis . Ang dalawang barko ay may kargang 370,000 liters na gasolina na nagkakahalaga ng PhP20,350,000.
Ang dalawang fuel tanker ay nasa ilalim na ngayon ng team ng BOC at PCG-Task Force Aduana personnel na nasa Pier dockyard .