DUMATING ang 50 Overseas Filipino Workers kasama ang kanilang mga dependents mula sa Gitnang Silangan Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong , Mayo 22, 2026.
Lulan ng Gulf Air Flight GF154 ang 14 OFWs mula sa Kuwait at 26 OFWs at 10 kaanak naman mula sa Bahrain.
Sa kanilang pagbabalik iba’t- ibang ahensya ng gobyerno ang nakahanda ng comprehensive reintegration programs upang magbigay ang mga pangkabuhayan package o livelihood assistance, mga lokal na oportunidad sa trabaho at pagsasanay, at iba pang tulong pinansyal at teknikal para sa mga nagnanais na manatili at magsimulang muli sa Pilipinas.
