NAHARANG ang mga smuggled na sigarilyo na tinatayang P21.6 milyong piso habang nagsasagawa ng maritime patrol ang Coast Guard District Southwestern Mindanao at BFAR MCS-3001 sa karagatan malapit sa Olutanga Island, Zamboanga , Sibugay.
Natuklasan ang bangkang pandagat na MPD TRD Express na may sakay na kargamento na humigit-kumulang na 350 kahong walang dokumentong sigarilyo.
Dinala ang sasakyang pandagat at ang ilegal na sigarilyo sa Bureau of Customs para sa tamang paglilipat habang isinasaayos ang pagsasampa ng kakukulang kaso laban sa mga may-ari ng kontrabando.