
NASAMSAM ang tinatayang P3.4 milyong piso halaga ng hinihinalang shabu ng pinagsanib pwersa ng operatiba mula sa PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team 1 at 2, PDEA National Capital Region-Southern District Office, at PNP Drug Enforcement Group-Special Operation Unit-NCR sa isang buy-bust operation sa parking area ng isang mall sa Barangay Don Bosco, Parañaque City noong Setyembre 3, 2024 bandang alas-11 ng umaga.
Arestado ang suspek na itinuturing na high-value drug personality at nakilala bilang si Rommel Angeles y Namil, 44-taong-gulang na residente ng Lower Bicutan, Taguig, na nagresulta sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na si Angeles ng PDEA Regional Office IV-A Detention Facility sa Santa Rosa City, Laguna at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.