SUPORTADO ni Senator Alan Peter Cayetano ang panukala ni Senator Risa Hontiveros na ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, ngunit nagmungkahi ng ibang paraan ukol sa pagkolekta ng buwis nito.
“Would it be a remedy to put an absurd amount of tax amending the tax law that Senator Risa said, but let’s say putting a 10,000 percent tax on POGOs which will effectively ban it?” tanong ni Cayetano sa pagtatalakay ng Senado ng CREATE MORE bill nitong August 28, 2024.
Sa kaniyang panukala, iminungkahi ni Hontiveros na magdagdag ng isa pang talaga sa ilalim ng Section 28 na magtatanggal sa umiiral na lisensya ng mga POGO.
Kasunod ng panukalang ito ni Hontiveros, pinanindigan ni Cayetano ang kanyang posisyon na ang simpleng pagtanggal ng buwis ay hindi sapat upang ipagbawal ang mga POGO.
“If we repeal it, we’re not banning POGOs, we’re actually taking out the tax from the POGOs,” sabi niya.
Sa kanyang interpellation, tinalakay ni Cayetano ang maaaring idulot ng pag-repeal ng mga buwis pati na rin ang potensyal na epekto ng mataas na tax rates sa mga offshore activity.
“There’s no argument with the intent and I’d like to thank Senator Risa kasi nga I think it’s timely,” sabi niya.
“Let’s find a final solution [to this] and put it into the law,” dagdag niya.