SINIMULAN na ng pinagsanib pwersa ng Department of Justice, PCG, at Philippine National Police ang inter-agency operation technical dive at site assessment kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake ngayong araw, Hulyo 10.
Layon nitong tukuyin ang lead ng imbestigasyon na nagsasabing posibleng itinapon sa lawa ang mga biktima.
Ayon kay PCG Southern Tagalog District Commodore Geronimo Tuvilla, nakaposisyon na rin ang staging area, command post, at aerial drones na gagamitin sa operasyon.
“We have equipment in place and we have initially established staging area last night at ang mga hakbang kung paano ang gagawin about the underwater operations,” ani Tuvilla.
