NILINAW ng co-chairman ng House Quad Committee ang desisyon ng panel ang paglilipat kay Cassandra Li Ong, isang person-of-interest ng Philippine offshore gaming operator (POGO), sa Correctional Institute for Women (CIW) na ito ay alinsunod sa batas na dumaan sa due process at legal na paraan.
Sinabi nina Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez, at Antipolo Rep. Romeo Acop, “Nililinaw namin: Legal ang paglilipat kay Ms. Ong sa Correctional Institute for Women. Sinunod ng QuadCom ang lahat ng kinakailangang protokol, at ang desisyon ay nakasaad sa rule of law,” .
“Walang nilabag na batas ang Quad Comm sa pag-utos na ilipat si Ms. Ong sa correctional. Lahat ng aksyon ng committee ay naaayon sa aming Rules of Procedure at sa batas,” dagdag pa nila.
“Her lawyers were the ones who said that Cassy Ong would prefer to be detained in a prison cell rather than in Congress. Cassy should blame her lawyers for putting her in this uncomfortable position,” dagdag pa ng mga ito.
Nilinaw rin ng mga mababatas na “walang basehan ang mga paratang na ito. Our legislative inquiries are designed to seek the truth and uphold justice, not to manipulate the outcome of these proceedings.”
Ang paglilipat kay Ong ay wala rin sila anilang paglabag anila sa international human rights conventions, sabi, “We are carefully looking into all concerns regarding international conventions. We assure the public that we remain committed to respecting the rights of individuals, and ensuring that all actions taken are in compliance with both domestic and international laws.”
Hinimok din nila ang publiko at iba pang mga concern parties na hayaang magpatuloy ang mga legal na proseso na kinasasangkutan ng mga kasalukuyang pagdinig.
Maging ang kinakailangang health at safety measures ay isinasagawa ngmga mambabatas upang matiyak ang kapakanan ni Ong, taliwas sa mga takot na ipinahayag ng kanyang legal counsel.
Dagdag pa nila, ang mga proceedings na kinasasangkutan ni Ms. Ong ay isinasagawa nang may transparency habang iginagalang ang mga constitutional rights ng mga resource person.
“Bilang mga lingkod-bayan, tungkulin naming tiyakin na ang lahat ng proseso ay naaayon sa batas at patas. Huwag nating hayaang masira ang tiwala ng publiko sa ating mga institusyon.”
Matatandaang nag-ugat ang usapin dahil sa paglipat kay Cassandra Ong sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City nitong Huwebes.
Ang kinatawan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na Lucky South 99 ay sinampahan ng contempt ng House Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga krimen na may kaugnayan sa POGO.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na na-cite in contempt si Ong dahil sa pagsisinungaling umano hinggil sa kanyang mga rekord sa paaralan.
Sinabi niya na hindi niya matandaan ang pangalan ng paaralan kung saan siya nag-enroll para sa Alternative Learning System.
Sinabi ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ang pahayag ni Ong tungkol sa pagtatapos ng ALS noong 2016 o 2017, dahil sa mga hindi pagkakatugma sa kanyang mga sagot tungkol sa kanyang pinag-aralan.
Ipinahayag ni Paduano ang pagkabigo sa kakulangan ni Ong ng tiyak na detalye tungkol sa kanyang pag-aaral: dahil aniya, nagsinungaling si Ong at dati nang na – contempt at muling sasampahan ng contempt dahil sa pagsisinungaling.
Noong una, itinanggi ni Ong ang pakikilahok sa mga aktibidad ng POGO, sinabing siya ay 58% na may-ari ng Whirlwind Corporation, ang kumpanyang nagmamay-ari ng lupa at umuupa ng bahagi ng lupa sa Lucky South 99.